Huwebes, Mayo 8, 2014

A Short Reminder for Workaholic.


Isang araw, may isang ama na umuwi sa kanilang bahay ng mainit ang ulo galing sa trabaho. Sinalubong ito ng kanyang anak at tinanong, 

"Papa, pwede po ba akong magtanong sa inyo?"

"Oo ba, ano ba yun anak?" sabi ng ama

"Papa, magkano po ba ang binabayad sayo sa trabaho mo kada isang oras?" tanong ng anak.

Nang marinig ng tatay ang tanong ng kanyang anak na lalaki, Lalo itong nairita at bilang sabi sa anak, wala ka ng pakialam dun anak, bakit ba nagtatanong ng ganyang mga bagay?
Sabi ng Anak," Gusto ko lang naman pong Malaman, Pa, please sabihin nyo na po saken kung magkano ang binabayad sayo sa isang oras?

Ok sige, aba anak, ang isang oras ko sa trabaho ay 100, sabi nito ng may pagmamalaki.

“ah, ganun po ba.”, sagot ng bata habang nakayuko ang ulo nito. “Papa, pwede po bang humiram sa inyo ng 300?” 
Nagalit na naman ang tatay sa kanyang narinig , “Alam mo kung ang reason ng pagtatanong mo ng sweldo ko ay dahil makakahiram ka ng pera para makabili ka ng kung ano anong laruan at ibang mga bagay na walang kakwenta kwenta, umakyat ka na at matulog.

Natatrabaho ako araw araw tapos yan lang ang sasabihin mo saken. Ang intindihin mo ay ang iyong pag aaral, hindi yang kung ano ano na wala kwenta.


Dahan-dahang umalis papunta sa kwarto nya ang bata at sinarado ang pinto.

Umupo ang ama, habang lalong naiirita sa tanong ng kanyang anak. "Bakit kaya sya nakakapagisip ng ganung klasing tanong para lang makahiram ng pera.
Lumipas ang ilang oras, kumita ang ama at nakapag isip isip ng maayos, "Baka naman may bibilhin talaga sya na importante kaya sya nanghihiram ng php 300, dahil minsan lang mag sabi si Ralph ng ganun kalaking halaga."
Kaya napag pasyahan nito na kausapin ang kanyang anak. Pumunta ito sa kwarto ng bata at dahan dahang bunuksan ang pinto sabay tanong sa nakadapa sa higaan na bata, "Ralph, gising ka pa ba?"
"Opo, gising pa po ako, bakit po?" sagot nito sa ama.

"Gusto ko lang humingin ng pasyensya dahil napagalitan kita kanina, anak, pagod lang si papa galing sa trabaho, sana maintindihan mo ako. Ito na nga pala yung hinihiram mong php 300".


Napabalikwas sa higaan ang bata sabay up na sobrang saya, "Talaga po Papa, salamat po."
Nagsisigaw ito sa sobrang tuwa, Pagkatapos, agad itong dimiretsyo sa kanyang cabinet para kunin ang kanyang alkansya, bunuksan nya ito sa harap ng kanyang tatay, ng makita ito ng ama, unti-unti  na naman itong nagagalit. Dahan-dahang binilang ni Ralph ang laman ng kanyang alkansya at nakangiting nakatingin sa kanyang papa.

"Bakit ka pa humihingin ng pera, kung meron ka na Pala?" tanong ng ama sa anak
"Dahil kulang pa po ito, para mabili ko ang napakaimportanting bagay na gusto ko. Sagot na bata.
300+200 = 500, Ngayong meron na po akong php 500, mabibili ko na rin yun sa wakas.
"Ok, sige, kung ano man yung bibilhin mo, ingatan mong lang mabuti para hindi masira agad at medyo mahal yan para sa isang laruan." Pagpapayo ng ama.
"Papa, ito na po yung php 500. Para sa inyo po yan papa." Sabi ng Ralph.
"Oh, bakit, Kala ko ba may bibilhin ka?" May pagtatakang tanong nito sa bata.
"Bayad ko po sayo yan papa, gusto ko po sanang ng bilhin ang 5 hours mo Bukas? Pa, pwede po ba na umuwi kayo ng maaga Bukas, gusto po kitang makalaro at kumain tayo ng sabay sa hapunan." tugong ni Ralph.

Nang marinig ng tatay ang sinabi ng kanyang anak, hindi na ito nakaimik pa, napaluha na lang ito at niyakap ng mahigpit na mahigpit ang kanyang anak.



Moral: 

Isang maikling paalala para sa mga taong working so hard in life! Wag nating hayaang lumipas ang oras o maghapon na hindi natin nakakausap o nakakabonding ang mga tao na mahal at mahalaga sa atin. 
Maraming pagkakataon na kaya nagtatrabaho ang isang tao ay para matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya, well, totoo naman yun infact lahat naman ng tao, pero ang hindi rin narerealize ng karamihan ay unti-unti na rin pala na nawawala ang loob ng mga importanting tao sa buhay nila. Especially para sa mga magulang na may malilit na anak, minsan dahil sa sobrang busy natin sa trabaho, pinapa alagaan na lang natin sa ating kasambahay, at habang lumalaki ang mga ito, magtataka ka na lang na bakit hindi nakikinig sayo ang anak mo. Kung isipan mo, Kapag namatay ka bukas, ang company na pinagtatrabahuhan mo ng makabang panahon ay pwedeng pwede kang palitan agad agad, pero ang mga mahal natin sa buhay, katulad ng pamilya at mga kaibigan natin, na maiiwanan will feel the loss for the rest of their lives. And come to think of it, we pour ourselves more into work than to our family.


I hope na kang natutunan sa short story na ito.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento